Wednesday, September 19, 2012

PAGPAPAKILALA

Isang magpapalang araw sainyong lahat. Bow.

Wala lang talaga akong magawa at naisipan kong gumawa ng isang blog na kung saan maiihahayag ko ang sarili ko, yung walang nakakakilala na kung sino talaga ako. Ganito na lamang ang naisipan kong magandang idea para makapagblog. Nakadami na kong blog, pero madalas palpak.
Ako si Bebang, hindi ko totoong pangalan. Ewan ko ba, sa lahat ng pangalan sa mundong ito, ito pa ang pumasok sa utak ko. Panget, hindi katulad ko. Maganda. Charot lang. Malapit na kong maging legal, mga next year pa. Ako'y nasa pangalawang antas na sa kolehiyo at kumukuha ng pre-med course. Kung sisipagin ako, malamang-lamang ay magdodoktor ako. Pero kung hindi man, eh mag de-dean nalang ako. Hindi, biro lang. Maliit ako, at madalas na pinagkakamalang elementary student. Hindi ko nga alam kung good ba iyon o bad. Hindi kasi ako mukhang dalaga. How sad. Naiinggit ako sa kanila kasi anHindi naman ako ganoong matalino, mga above average lang. Mahangin ba? Hindi sadyang nagsasabi lang ng totoo. Sabi nila mukha daw akong koreana. Koreanang-dulok. Morena kasi ako. Black beauty daw. Oo, masanay na kayo, talagang masipag akong magbuhat ng bangko. Mahilig akong sumayaw, kumanta, mag-drawing, mag-acting, mag cartwheel, maligo ng isang oras, kumain ng limang minuto. Talented na nga in short. Sa unang tingin, maldita at masungit daw ako. Oo, totoo nga naman. Shy-type kasi ako, natatakot ako sa mga hindi ko kakilala lalong lalo na kung mabaho ang hininga o may anghit, pero sa totoo lang, friendly at approachable ako. Pag tumagal, dumadaldal at dumadaldal ako. At eto nga. Nakahanap ako ng kadaldalan. Nung medyo  bata bata pa ko, pangarap kong maging artista. Nakakatawa man, pero hanggang ngayon eto talaga ang pangarap ko. Kaso hindi kasi ako mag celebrity type. Madami akong pangarap. Gusto kong maging doktor, maging chef, maging news reporter, maging writer, maging voice dubber, maging singer, maging direktor at pinakagusto ko sa lahat, maging mayaman. Mukha na kong pera. Ayaw ko kasing humihingi sa magulang ko ng pera. Masarap kasi yung pakiramdam na sa sarili mong pawis nabilli mo yung gusto mo. Single-kuno ako sa ngayon. Friends lang talaga, pero hindi naman talaga totoong friends lang. Dami ko ng nakwento. At madami pa kong gustong ikwento. Pero sa ngayon hanggang dito na muna. Tinatamad na ko eh.


Sa uulitin! :-)


No comments:

Post a Comment